May kabuuang 7 local government units (LGUs) sa Lalawigan ng Batangas ang naging benepisyaryo ng tulong pinansiyal mula sa Disaster Rehabilitation and Recovery Assistance Program (DRRAP) ng Pamahalaang Nasyunal na alinsunod sa Department of the Interior and Local Government – Office of Civil Defense (DILG – OCD) Joint Circular No. 1, s. 2026. Isinagawa ang pormal na paglilipat ng tulong...
Read MoreLatest News
Batangas, Nakiisa sa 4th Quarter NSED 2026; Kahandaan sa Lindol at Tsunami, Pinatatag
Nakiisa ang Lalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan ng Balayan, sa buong bansa sa sabayang pagsasagawa ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 noong ika-5 ng Nobyembre 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga, sa Barangay San Piro bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahandaan at kaligtasan ng publiko laban sa mga panganib na dulot ng...
Read MorePCSO, Nagkaloob ng X-Ray at Ultrasound Machines sa Lalawigan ng Batangas; Diagnostic Services, Palalakasin ng Kapitolyo
Isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Lalawigan ng Batangas ang pagkakaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Portable X-ray Machine, Ultrasound Machine, at Digital X-ray Machine sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na naisakatuparan sa pamamagitan ng Medical Equipment Donation Program ng PCSO. Ang naturang turnover ceremony, na ginanap nitong ika-5 ng Nobyembre 2026 sa Jose...
Read MoreLigtas Undas 2026, Pinaghahandaan sa Batangas sa Pamamagitan ng Koordinasyon ng mga Ahensiya
Pinag-ibayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga katuwang na ahensiya ang paghahanda para sa ligtas at maayos na paggunita ng Undas sa pamamagitan ng Coordination Meeting on Ligtas Undas 2026 na isinagawa noong Oktubre 29, 2026, sa PAFES Building, Provincial Agriculture Compound, Bolbok, Batangas City. Pinangunahan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ang pagpupulong na naglalayong pagtibayin ang...
Read MoreMHEWS, Handheld Radios Ipinamahagi sa 34 LGUs ng Batangas Para Palakasin ang Kahandaan sa Sakuna
Pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang paghahanda at pagtugon sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagpapakilala sa Multi-Hazard Impact-Based Monitoring, Forecasting and Early Warning System (MHEWS) at pamamahagi ng handheld radio communication equipment sa 34 na lokal na pamahalaan sa lalawigan. Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa pamumuno ni...
Read More20th Southern Tagalog Cooperative Congress, Tagumpay na Naisagawa sa Batangas
“Ang tunay na lakas ng kooperatiba ay nanggagaling sa pagsasama-sama ng mga tao, ng kanilang mga kakayahan, puhunan, panahon at kaalaman. Kapag nangyari ito, mas magiging matatag sila at mas maraming matutulungan.” – Governor Vilma Santos-RectoIto ang binigyang-diin ni Governor Vilma Santos-Recto sa matagumpay na pagdaraos ng 20th Southern Tagalog Cooperative Congress (STCC26) sa Lipa City Convention Center, Lungsod ng...
Read MoreOPLAN Kontra Baha Summit para sa Pansipit River, Isinagawa sa Agoncillo, Batangas
AGONCILLO, Batangas – Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), bilang lead agency ng Oplan Kontra Baha (OKB) Task Force, ang dalawang araw na Inspection and Flood Mitigation Workshop para sa Pansipit River na nagsimula ngayong Oktubre 6, 2026 at magtatapos sa Oktubre 7 sa Bayan ng Agoncillo. Katuwang ng DPWH sa pagpupulong ang iba’t ibang pambansang ahensya,...
Read MorePROJECT KAPWA, PORMAL NANG INILUNSAD SA BATANGAS
Pormal nang inilunsad ng Lalawigan ng Batangas ang “Project KAPWA: Sama-Samang Pagtugon sa Pangangailangan ng Bawat Bata” bilang hakbang sa pagsusulong ng kapakanan, proteksyon, at karapatan ng mga kabataan sa lalawigan noong ika-1 ng Oktubre 2026 na ginanap sa Provincial Information Office Lobby, Capitol Compound, Batangas City. Pinangunahan ng Humanitarian Legal Assistance Foundation, Inc. (HLAF), katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng...
Read More


