Batangas Capitol, Nakiisa sa Pagsisimula ng 18-Day Campaign to End VAWC 2025

Opisyal na binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI), ang pagsisimula ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC) na ginanap ngayong araw, ika-26 ng Nobyembre 2025, sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Layunin ng taunang kampanya na palakasin ang panawagan para sa isang ligtas, pantay, at mapagkalingang lipunan para sa kababaihan at kabataan. Sa temang β€œUnited for a VAW-Free Philippines,” muling pinagtibay ng Lalawigan ng Batangas ang pangako nitong patuloy na magtataguyod ng karapatan at proteksyon ng kababaihan at kabataan, at magpapatuloy sa pagtatayo ng komunidad na ligtas at walang puwang para sa anumang uri ng karahasan.

Pinangunahan ang pagbubukas ng programa ng iba’t ibang opisyal mula sa komiteng nakatuon sa kapakanan ng kababaihan, pamilya, at kagalingang panlipunan. Nagbigay ng mensahe ng suporta sina Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Municipal Mayor ng Agoncillo at tumatayong Presidente ng PWCCBI; Mayor Jane Casas, Municipal Mayor ng Ibaan, na nagbahagi ng kanilang Best Practices bilang Most Functional City/Municipal Local Committee on Anti-Trafficking Against Women and Children (LCAT-VAWC).

Sinundan ito ng pagbabahagi ni Ms. Divina Mauhay ng kanyang makabuluhang testimonial tungkol sa katatagan laban sa gender-based violence.

Bilang culminating activity, isinagawa ang Awarding Ceremonies upang kilalanin ang mga natatanging tagapagtaguyod ng pangangalaga o proteksyon sa kababaihan at kabataan sa lalawigan.

π‘Άπ’–π’•π’”π’•π’‚π’π’…π’Šπ’π’ˆ π‘©π’‚π’“π’‚π’π’ˆπ’‚π’š 𝑽𝑨𝑾 π‘«π’†π’”π’Œ π‘Άπ’‡π’‡π’Šπ’„π’†π’“ π‘¨π’˜π’‚π’“π’…π’†π’†π’”:

π‘΄π’–π’π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’ π‘ͺπ’‚π’•π’†π’ˆπ’π’“π’š

  • 1st Place – β‚±25,000: Ms. Mylin Bunquin, Brgy. Mayuro, Rosario
  • 2nd Place – β‚±20,000: Ms. Maria Edna M. Laqui, Poblacion 8, Cuenca
  • 3rd Place – β‚±15,000: Ms. Marites Enriquez, Brgy. Tugtug, San Jose
    Samantala, nakatanggap naman ng Consolation Prizes na β‚±5,000 ang bawat isang VAW Desk Officer Awardees na sina Ms. Patty Page Edan ng Munisipalidad ng Agoncillo, Ms. Ramona Perez ng Munisipalidad ng Calatagan, Ms. Lorna Camero ng Munisipalidad ng Balayan, Ms. Maria Alona Ramos ng Munisipalidad ng Bauan at Ms. Eleanor Arilo ng Munisipalidad ng Mataasnakahoy.

π‘ͺπ’Šπ’•π’š π‘ͺπ’‚π’•π’†π’ˆπ’π’“π’š

  • 1st Place – β‚±25,000: Ms. Noreen H. Manarin, Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City
  • 2nd Place – β‚±20,000: Ms. Mary Ann Pamitunan, Brgy. Dacanlao, Calaca City
  • 3rd Place – β‚±15,000: Ms. Adela O. Villarin, Brgy. Pantay Matanda, Tanauan City

𝑷𝒂𝒓𝒂 π’π’‚π’Žπ’‚π’ 𝒔𝒂 𝑴𝒐𝒔𝒕 π‘­π’–π’π’„π’•π’Šπ’π’π’‚π’ π‘©π’“π’ˆπ’š. 𝑽𝑨𝑾 π‘«π’†π’”π’Œ π‘Άπ’‡π’‡π’Šπ’„π’†:

π‘΄π’–π’π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’ π‘ͺπ’‚π’•π’†π’ˆπ’π’“π’š

  • Brgy. Mayuro, Rosario – β‚±110, 000
  • Brgy. San Roque, Bauan – β‚±75,000
  • Brgy. 4, Calatagan – β‚±50,000

Nakatanggap naman ng Consolation Prizes na may halagang β‚±10,000 ang Brgy. San Teodoro, Agoncillo, Brgy. San Juan, Balayan, Brgy. Tugtug, San Jose at Poblacion 8, Cuenca.

π‘ͺπ’Šπ’•π’š π‘ͺπ’‚π’•π’†π’ˆπ’π’“π’š

  • 1st Place – β‚±110,000: Brgy. San Antonio, Sto Tomas City
  • 2nd Place – β‚±75,000: Brgy. Luyos, Tanauan City
  • 3rd Place – β‚±50,000: Brgy. Dacanlao, Calaca City

Nagbigay rin ng mensahe sina Executive Assistant, Dr. Rolando Tumambing, bilang kinatawan ni Governor Vilma Santos-Recto at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina 2nd District Board Member, Dr. Reina Abu-Reyes, kinatawan ng Committee on Women and Family; 5th District Senior Board Member, Dr. Jun Berberabe, kinatawan ng Committee on Social Welfare; at 5th District Board Member Hamilton Blanco.

Almira Elaine Baler Kevin Paolo Medrano & Kasielka Cantos | BATANGAS PIO