Fishery Inputs para sa mga Matatag na Mangingisda

Muling pinatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagbibigay importansya sa sektor ng agrikultura, partikular sa indusriya ng pangisdaan, matapos isagawa ang pagkakaloob ng ng iba’t ibang fishery inputs para sa mga Batangueño fisherfolks mula sa tatlong bayan sa Unang Distrito ng lalawigan ngayong araw, ika-27 ng Pebrero 2026, sa Bayan ng Tuy.

Sa pangangasiwa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), kauwang ang Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), at mula sa sa patuloy na paggabay ni Governor Vilma Santos-Recto, naipamahagi sa 75 na mga mangingisda ng Bayan ng Nasugbu ang Hook and Line #568 at bukod na 75 fisherfolks para naman sa #570 na uri ng naturang fishing gear.

Bukod dito, nakatanggap naman ng Gill Nets Size #6 ang 100 benepisyaryo mula sa Bayan ng Calatagan at 75 na mga mangingisda mula sa Bayan ng Balayan.

Mula sa mga naipagkaloob na tulong at suporta, umaasa ang OPAg na magagamit nang husto ang mga fishery inputs upang mas mapatatag ang kabuhayan at pamumuhay ng mga lokal na mangingisda ng lalawigan. Inaasahan din na magpapatuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay at paglalapit ng mga serbisyo, programa, at proyekto sa lahat ng mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Batangas.