Kapitolyo ng Batangas, Naghandog ng Interactive Learning Tools sa mga Paaralan

NEW HEADLINER – 1

Pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang personal na pagkakaloob ng 220 na mga interactive learning tools para sa 68 paaralan mula sa iba’t ibang distrito ng Batangas noong ika-21 ng Hulyo 2026.

Tinanggap ito ng mga guro mula kay Gov. Santos-Recto, kasama ang pamunuan ng Batangas Provincial School Board, na pinamumunuan ni G. Samson Isaga.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-pagkilala ng gobernadora ang dedikasyon ng mga guro sa pagsusulong ng kaalaman ng mga mag-aaral na Batangueño. Idinagdag niya na dahil sa kanilang sakripisyo at taos-pusong paglilingkod, patuloy na aagapay ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga programang pang-edukasyon, at ipagpapatuloy nito ang mga proyektong magbibigay ng imprastraktura at learning intervention tools.

Bilang tugon, nagpahayag ng pasasalamat sina Dr. Arnel Evangelista, Principal ng Laiya Integrated National High School sa San Juan, at Dr. Liza Garcia, Head Teacher ng Panay Elementary School sa Mabini. Pareho nilang hiniling sa gobernadora ang tuloy-tuloy na pagbibigay tulong sa sektor ng edukasyon sa lalawigan.

Edwin V. Zabarte / BatangasPIO
Photos: Francis Milla, Mary Zhyrk Ocampo