Matibay na Ugnayan para sa Matatag na Kalusugan

Isang mahalagang pagpupulong ang ginanap ngayong araw, ika-26 ng Pebrero 2026, patungkol sa alignment at tuloy-tuloy na koordinasyon ng mga Private Health Facilities at District Hospitals sa Lalawigan ng Batangas.

Binigyang-linaw sa pagpupulong ang maayos na implementasyon ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) Program ng pamahalaan, na may pangunahing layunin na mabawasan ang direktang gastos ng mga pasyente, lalo na ang mga may malulubha o kritikal na karamdaman.

Pinagtibay rin sa ginanap na coordination meeting ang ugnayan ng bawat institusyong pangkalusugan at ang pagtutugma ng mga polisiya at proseso upang matiyak na ang bawat hakbang ay nakatuon sa mas episyente, maagap, at dekalidad na paghahatid ng serbisyong medikal para sa publiko.

Samantala, inaasahan din ang aktibong partisipasyon ng mga kinatawan ng bawat health facility upang maibahagi ang kanilang mga pananaw, suhestiyon, at karanasan na makatutulong sa pagbuo ng mas matibay at mas sistematikong healthcare network sa buong Lalawigan ng Batangas.