Serbisyong Mas Pinalapit: Mahigit P2.6M na Tulong, Naiparating sa Unang Distrito

May kabuuang 262 na mga Batangueños mula sa 1st District ng lalawigan ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ngayong araw, ika-27 ng Pebrero 2026, sa isinagawang distribution activity na ginanap sa Brgy. Putol, Bayan ng Tuy, Batangas.

Ang kabuuang halagang ipinagkaloob para sa AICS, na pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ay umabot sa ₱2,237,500.00, bilang agarang tulong sa mga indibidwal at pamilyang dumaraan sa iba’t ibang uri ng krisis.

Bukod sa tulong para sa mga indibidwal, nagkaloob din ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan naman ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), ng tulong sa ilang mga barangay sa unang distrito, kabilang ang Barangays 4 at Sta. Ana sa Bayan ng Calatagan, at Brgys. Natipuan, Maugat, at Aga sa Bayan ng Nasugbu.

Ang mga barangay ay tumanggap ng mga kagamitan, tulad ng computer set with printer at telebisyon, na may kabuuang halagang ₱440,000.00, bilang suporta sa mas maayos na operasyon at paghahatid ng serbisyo sa kani-kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng mga ganitong programa sa ilalim ng pamumuno ni Governor Vilma Santos-Recto, pinagtitibay ng Kapitolyo ang pangakong mailapit ang tulong sa bawat Batangueño, lalo na sa mga higit na nangangailangan.