Smile with HEARTS!

Sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang panibagong linggo ng paglilingkod sa pamamagitan ng pagsasagawa ng lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas ngayong araw, ika-14 ng Hulyo 2025, sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Naging bahagi ng programa, na pinangasiwaan ng Provincial Human Resource Management Office, ang naging pag-uulat ni Governor Vilma Santos-Recto kaugnay sa agarang pagpapaganap ng kaniyang administrasyon sa mga programang pang-edukasyon at pangkalusugan ng Batangas.